Friday, October 31, 2014

A Tour in Binondo, Manila


             Binondo is known as Chinatown or a Filipino-Chinese Community, but of course even pure Pinoy are welcome to their place. If you are here, you will feel that you’re in China because where ever you go you can see the trademarks of being Chinese. Like dragon designs which is a prosperity symbol among Chinese people. But you can find also a Catholic Church in the midst of Binondo.

            If you’re looking for different good or commodities; you can drop by in Ongpin St. This was named after Don Ramon Ongpin (1847-1912). He was known as a Tsinoy who helped the revolutionary movement during Spanish Era. He helped through giving financial assistance to the revolutionary movement. There was also a story that he burned his house just to get insurance. Then, he gave the money to the Filipino soldiers. As an honor to him, the Binondo people built a statue to remind them his greatness. Even he is not a pure Pinoy, his love for the Philippines was incomparable.

            By the way, Ongpin St. is a commercial district. There are many jewelry stores here, a favorite destination of women who loves gold. Men also are coming here to buy jewelry as a gift for their love on especially when they will get marry. Other people said that the jewelry here has high quality. Of course, we knew that gold is very expensive, make sure that you have enough budget if you want to buy here.

            Chinese are very superstitious people that’s why they are selling different lucky charm paraphernalia like crystals, Buddha figures, etc. But aside from being a shopping center, you can find also in Binondo some old Chinese restaurants, one of them is The Palace Restaurant. If you love Chinese delicacies, you can buy tikoy and hopia especially Eng Bee Tin, a very famous hopia brand in our country.

            When you visit Binondo, one thing for sure; you would learn about their rich culture or how the way they live. Binondo speak itself that they already reached a milestone compared to their old lives here in our country. From being a taho vendor, now almost of them are big-time businessmen.

Thursday, October 23, 2014

Videoke Nagdudulot ng Noise Pollution


   Kung meron mang imbensyon na maganda sana pero naging masama ang epekto, walang iba kundi ang videoke. Bakit kamo? Dahil sa kantahan ay nagkakaroon ng hapi-hapi. Nagiging bonding ng magkakaibigan, magkakapamilya at magkaka-inuman na mahilig sa kantahan. Kapag sinabing musika ito ay nagsisilbing daluyan ng emosyon. Kaya naman maaaring magsaya at kumakanta ng tipong Dancing Queen o di kaya naman ay Let’s Get Loud. Siyempre, hindi mawawala ang mga emo habang kumakanta. Yun bang tipong ngumungoy na. Sa buka ng letra ng bibig ay may mga alaalang nakatago na sa pamamagitan ng kanta ay binubuhay kahit sa isip lang.


     Pero putsa naman dahil sa videoke na yan ay maraming bahay at buhay na nabulabog. Wala na kasing oras na pinipili. Puwedeng maagang-maaga pa lang makakarinig ka na nang ngunamangawa. Yun bang tipong ito ang gumigising sa iyo. Haist. Saka kung kailan oras ng pamamahinga ay ‘yun ang oras na gustong mag-ingay ng iba. Gusto mo na sanang matulog hayan at panay kantahan ng mga buwisit mong kapitbahay. Kung hindi nagsasalitan ay nagkakasabay-sabay pa. Aba’y bakit di na lang mag-organisa ng singing contest? Mga nagkakasapawan na, e.

    Sari-saring kanta ang naririnig mo, andyan ‘yung mga classic na tipong Tom Jones, Frank Sinatra, Matt Monroe at iba. Meron din na ang paboritong kantahin ay ‘yung mga double meaning gaya ng “Nilunok Ko Ang Lahat” at “Sisisirin Mo”. Depende na rin siguro kung saang henerasyon nabibilang ay ‘yun ang paboritong kantahin. May iba’t ibang rason din kung bakit ‘yun ang kinakanta. Maaaring ito lang ang alam na tono. Maaaring team song nila ng alaga nilang pusa o aso. Basta ang kanta ay makahulugan, binabalahura nga lang ng iba. Feeling mo tuloy ay parang gusto mong sisihin kung sino man ang nag-imbento ng  videoke. Hinihiling mo na sana ay hindi ito naging affordable sa masa. Para pailan-ilan lang ang may videoke sa bahay nila. Hinihiling mo rin na sana ay magkaroon ng batas na nagbabawal sa pagkakaroon ng videoke sa matataong lugar. Para naman hindi nabubulabog ang iyong katahimikan.

     Ang videoke ay dapat lang sa mga videoke bar na ang mga kumakanta ay mga G.R.O. at ang mga parukyano nila na malilikot ang mga kamay. Dapat ang videoke ay nasa loob lang ng karaoke room para kayo lang ng kasama mo ang magkakarinigan. Puwede mo pa itong i-record tapos patutugin mo ng malakas pag-uwi n’yo.  Ang videoke dapat ay nakapuwesto sa maiingay na lugar gaya ng palengke para masapawan ng ibang ingay. Hindi mo ganung mapapansin na may kumakanta pala. Ang videoke dapat ay nasa loob ng sementeryo para walang mabulabog na mga buhay. Ay, oo nga pala kahit sementeryo ay ginagawa ng tirahan ng mga tao ngayon.

    Pero kahit naman mawala ang videoke, hindi matitigil ang kantahan. Alam mo naman ang mga Pinoy pahawakin mo ng mikropono at siguradong kakanta na ‘yan. Babalik na lang siguro tayo sa pagkanta kung saan ay mayroon tayong gitarista. Gitarista nga lang ang laging bida kapag ganun. Baka mapagkamalan pang manghaharana dahil may dalang acoustic guitar. Kung hindi naman ay maririndi ka sa nakabibinging tugtugan. Buti sana kung ang tugtog ay pang-punebre na mellow lang. Eh, ‘di para kang idinuduyan sa kabaong nun. 


 Tandaan, hindi kumpleto ang kasiyahan kung walang kantahan. Kahit yung simpleng dahilan lang na wala kasing magawa. Kahit ikaw may mga sandali na bigla ka na lang napapakanta. Pero malayo naman sa kanila na ipinangangalandakan ang boses nila. Parang sa mga mall na open sa lahat ang pagkanta. Antimano may audience na agad. Malay nga naman natin ay may makadiskubre at bigla na lang maging internet sensation.  Pero dahil open sa lahat ay may mga umeepal na out from nowhere ay nagkakalat na nga todo bigay pa. Kinarir? Para tuloy gusto mo tuloy mangantyaw at paalisin ang epal. Pero siyempre, hindi mo kayang gawin yun dahil apektado ka naman masyado.





    Kung magpapakaasar nang husto ay lalabas pa na KJ ka. Sino ba naman kasi ang nagsabi na bigyan mo sila ng atensyon. Kunwari ay wala kang naririnig tulad ng ginagawa mo kapag sinisermunan ka ng titser mo o ng iyong nanay. Pero wala ka naman kasing magagawa dahil kahit magtakip pa ng tainga ay manunuot pa rin ito sa kalooban-looban mo. Baka nga ma-last song syndrome ka pa sa kinakanta ng iyong kapitbahay na may kakaibang bersiyon. Ayaw mo nun lumalabas pa ang kanilang pagiging creative dahil ang matinong kanta ay nagagawa nila ng bagong timpla. Yun nga lang hindi mo trip ang lasa dahil tipong nakakasuka.
    Mabuti pa sigurong batuhin mo ang bubong ng bahay nila. Ewan ko na lang kung hindi pa magsisipagtigil yan sa pagkanta. Ingat nga lang at baka may makakita sa iyo at ikanta ka na ikaw ang sumabotahe sa concert ng mga kontra-diva. Hindi ko naman sinasabing ang mga marurunong lang kumanta ang may karapatang kumanta. Siyempre, nasa demokratikong bansa tayo kaya kahit sino ay puwedeng kumanta. Kahit sabihin pa na hindi naman kanta ang ginagawa. Hindi rin naman puwedeng sabihin na tumutula lang. Dahil ang pagtula ay isang uri ng sining at magandang pakinggan dahil may ritmo. E, ang iba para lang kung hindi lasing ay para lang naaaning. Habang naiinis ka hayan at ang saya-saya pa nila. So, ang tanong bakit hindi ka makisama sa kanila. Isubo mo ang mic sa kanila isa-isa. Huwag naman, masyadong brutal ang ganun. Makising-along ka na lang kung kaya ng powers mo. Pero siguraduhin mo lang din na hindi ka nila kagaya kapag kumanta.
    Gustung-gusto kasi ng iba sa atin na ipinaglalakasan pa ang volume ng videoke. Kung ano ang lakas ng background music ay mas malakas pa ang kanilang atungal, pagkanta pala. Ipinaparinig pa nila sa buong looban o buong barangay. Ni hindi man lang naiisip na marami na ang sumasakit ang ulo at nagdurugo ang tainga. Pakiusap naman kung nakakainis pakinggan ang boses ay mabuting maglip sync na lang para di maaaburido ang mga makakarinig. Kung hindi naman ay magbalik-loob na lang sa banyo. Buong-buo pa ang dating ng boses dahil nakakulob. Pero kung hindi naman nahihiya at sanay na sa mga negatibong komento ay walang problema. ‘Ika nga, hayaan silang mamubrelema.  
    Kung hindi mapigilan ang pagkanta ay puwede namang hinaan ang volume ng videoke kasabay ng paghina ng boses. Pero siyempre mahirap ang ganun para saan pa ang mic kung mistulang bumubulong ka lang. Para namang gago kapag ganun. Baka mas gusto mo pang kausapin na lang ang sarili kaysa kumanta ng walang ibang nakaririnig. Para saan pa ang hilig sa pagkanta?

   Ang videooke nga naman ay isang malaking biro. Minsan ay nakatutuwa at minsan naman ay nakakapikon. Pero kahit ano pa siguro ang isulat ko ay hindi magbabago ang takbo ng mundo. Marami pa ring hahawak ng mikropono. Umaasang kahit paano ay mapalapakan mo...


Friday, October 17, 2014

An Open Letter to All Balasubas Jeepney and Konduktor Out There


   Walanghiya rin naman ‘yung konduktor na nasakyan ko na biyaheng Antipolo-Cubao. Sobra ang kahambugan ng taong ito. Gaya nang nakagawian na nila, ang sampuan ginagawang labing-isahan. Nakakaawa ‘yung isang babae na parang basura na pilit isiniksik. Halos malaglag na sa pagkakaupo. Nawalang saysay tuloy ang byuti niya. Sa kalagitnaan ng biyahe ay may isang bumaba kaya’t lumipat sa kabilang upuan ang babae. Mas makakaupo kasi siya roon. Nagpapasok ng sabit ang konduktor sa ¼ na puwet lang ang kasya. Kahit ano’ng usog ng mga pasahero ay walang mausugan. Kaya’t ang ginawa ng sabit na uupo sana ay bumalik na lang sa pagkakasabit.
    Sabi ng konduktor sa malakas na boses, “Walang pandikit ang upuan namin!” Nakuha pang matawa ng isang babae gayung nakakaasar nga ang konduktor. Baka akala niya nagdyu-joke lang ito. Panay bulong ng konduktor na animo’y natalo sa sakla. Maya-maya ay bumanat na naman ito at pasigaw niyang sinabi sa kanyang drayber na, “Sige, isagad mo ang preno...Ewan ko na lang kung di masalansan ang mga ‘yan sa unahan!” Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko, biglang uminit ang ulo ko. Aba’y napakabastos ng isang ito, ah. Siyempre, may isang nag-react sa baliw na konduktor. Hindi na raw ito naawa sa babae eh muntik nang mahulog sa upuan. Saka wala na naman talagang uusugan. Tapos may mga sakay pang bata.
   Bumanat na naman ang gagong konduktor, “Dun kayo sa taxi sumakay kung ayaw n’yong masiksik!” Nayayamot lalo ang ale sumagot ito, pero mahinahon lang naman ang kanyang boses. Huwag daw silang ganyan. Alam naman nila na naghahapbuhay sila. Pero hindi tama ang ginagawang ito ng konduktor. Panay mura pa ng konduktor, “Putang ina puro malapit ang pasahero”. Nung bababa na ako, kung makapag-utos ang konduktor ng ‘bilis, bilis’ ay akala mo kung sino. Na para bang platoon leader ang nag-uutos. Kung di lang ako nakapagpigil ay makakaltukan ko ang isang ito. Kapayat na lalake, kung makaasta akala mo ay tigasin sa kanto.
    Hindi lang ito ang konduktor ang bastos sa mga pasahero. Meron din akong nasakyan na kapareho lang din nila ang biyahe. Mag-asawa ang drayber at ang kanyang konduktura. Katabi ng drayber ang kanyang labidabs. Kung makapagsalita ang babae ay daig pa si Matutenao Vangie Balan sa tinis ng boses. Pero malaki ito o matabang babae. Kung makipag-usap ay parating pagalit. May nagbayad sa kanya at humingi pa ng dagdag gayung ‘yun naman talaga ang pamasahe. Ibig sabihin, sobra kung maningil kaya’t sa buwisit ay bumaba na lang ang pasahero. Nakababa na ang babae ay putak pa rin ng putak ang babae na suportado naman ng drayber. Naninigaw din ito ng mga sumasabit sa dyip gayung puwede naman nila itong sabihin nang maayos. Baka naman mainit lang ang ulo ng mag-asawang ‘yun ng araw na ‘yun. Pero hindi eh, ilang beses ko na rin silang nasakyan.
    Tutal kabalbalan na lang ang pinag-uusapan, sabihin ko na rin ‘yung naging ugali na ng mga drayber na mag-cutting trip. Ginagawa nila ito para madagdagan ang kanilang kita. Nagmamadali ka pa naman tapos aabalahin ka nila sa pamamagitan ng pagpapalipat sa ibang sasakyan. Nagpipresinta pa babayaran ang pamasahe ng mga pasahero. Pero may mga pagkakataon na bigla silang humaharurot nang di pa binibigay ang pamasahe mo. Wala kang magagawa kundi ang magkamot na lang ng ulo.   


    Gaya nang nasabi ng ale, na hindi dahilan na naghahanapbuhay lang ang mga konduktor at drayber kaya umaasta sila ng ganito. Ano’ng sumakay sa taxi? Kung ganito sila, dapat ay di na rin sila bumibiyahe pa, di ba? Bakit ang init ng ulo nila ay ibinabaling nila sa pasahero? Nangangatuwiran sila na kaya nila pinagsisikan ang mga pasahero at kung bakit sila nagka-cutting trip ay dahil mahal na raw ang gas?  Alam naman nilang nakakainis na sila. Parang ‘yung ikinakatuwiran din ng mga gumagawa ng iligal ay dahil na rin daw sa hirap ng buhay. Kung magiging ganito ang katuwiran nating lahat sigurado na wala nang magiging kaayusan sa ating lipunan. Kaya sa mga balasubas na jeepney driver at konduktor, pumatas naman  kayo, yow!

Wednesday, October 15, 2014

Wow, May Chicks!

  Konserbatibo pa nga ba ang mga Pinay ngayon pagdating sa pananamit? Tumingin ka lang sa paligid at malalaman mo ang kasagutan. Kung dati-rati ay baro’t saya ang suot nila na animo‎‎’y si Maria Clara, ngayon kung hindi nakapantalon ay mga naka-short naman. Kung nakapalda man ay kapag nagsisimba na lang, kung hindi ay uniporme sa eskuwelahan o di-kaya‎ sa trabaho. Wala namang masama sa ganito. Ang masama ay kapag walang suot, scandal na ‎yun. Hindi naman nudist o di-kaya ay nakikiisa sa world topless day. Malayo naman ang ganun sa tinatawag na hubad na katotohanan. Nakapagbibigay pa nga ito ng ginhawa sa kanila. Kapag nakapalda kasi ay lagi na lang nakabantay kapag umiihip ang malakas na hangin. Kapag nakaupo naman sa dyip ay bawal bumukaka at baka masilipan. Sino’ng may sabi na lalaki lang ang mahilig sa ‘ipit-ipit’?


                Pero yung iba kung manamit ay sobrang iksi ng short o yung tinatawag na pekpek short. Dahil konti na lang ay sisilip na ang panti. Kahit tingnan ay di naman makukuha kundi matatakaw lang daw sila. Mapapansin mo pa na sinadyang pinaiklian ang short dahil itinupi ito. Buti sana kung maganda ang legs. Paano kung puro butlig? O maganda nga ang legs pero hindi naman bagay sa may suot? Kung hindi parang tingting ay parang palu-palo o pambabo naman ang hita. Patay tayo dyan! Dalawa lang naman ang reaksyon ng mga nakakakita, kung hindi mapapa-wow ay mapapa-ngiyaw. Pero kapag sumasakay sa dyip ay tinatakpan naman ng bag ang legs. At kapag  naglalakad naman sa kalsada ay panay hila pababa ng maiksing short. Baka nga sakaling humaba ang pekpek short.

               Pagdating sa damit siyempre, marami ang nagsusuot ng sleeveless. May magaganda ang balikat. At meron din namang legs na puro peklat. Kung lalaki ka ay ayaw mong madikit dahil mukhang magaspang ang balat. Kaya’t kung magsusuot ng ganito ay siguraduhing mooth ang skin. Para naman di nakakahiya kapag mayroong nakakiskisan. Ingat nga lang kapag nasa pampublikong sasakyan. Ang ganda nga ng skin mo pero baka nakalimutan namang mag-ahit ng kili-kili. Ang mga Pinoy pa naman ay turn off sa mga babaeng may buhok sa kili-kili. Hindi kagaya sa mga Pranses na in ang mga ganitong klase ng babae. Huwag nang gayahin ang ilang lalaki na nagsasando pa rin kahit nanggigitata ang katawan.

                Bukod sa sleevesless na yan ay mga babaeng sinasadyang magpakita ng cleavage ala-Maureen Larazabal, Ruffa Mae Quinto, Keana Reeves at kung sinu-sino pang artista na malalaki ang hinaharap. Asset nga ito pagdating sa mga babae dahil attractive sa lalake ang may malaking boobs. Kung ito ang gagawing pamantayan kawawa naman ang mga babaeng parang pigsa o pisat lang ang dibdib. Dibale bawiin na lang sa mukha kung may kaaya-ayang mukha. Pero ingat lang mga boobita, baka mamaya ay biglang may manggigil at hipuin ang papaya gayung hindi naman yan puwede pitasin. Pumutok pa yan kung sakaling may inilagay lang na silicon. Paalala ko rin sa may maiiksing damit na kita na ang pusod, huwag masyadong matagal ang exposure baka kabagin. O ka ba tiyan?

               Buti pa pala ang mga babaeng Muslim ay nagtatakip ng mukha pati na rin ang buong katawan. Naniniwala kasi sila na ang katawan ng babae ay ang asawa lang nila ang dapat na makakita. Hindi tulad sa iba na kung manamit ay nakikita na ang kuyukot. At pinagpipiyestahan ng tingin ng kalalakihan. Totoo naman ang ganito, pinagtitinginan talaga ang mga babaeng maiiksi ang short at palda. Nakabubuhay kasi ito ng dugo sa mga lalake lalo na nga kung wow legs. Kaya nga paboritong maglagay ng mga babaeng kinapos sa tela sa mga variety show para makapanghatak ng mga audience na lalake.

                Kaya ikaw girl bago ka magsuot ng maiiksing damit at short siguraduhin mo munang carry mo. At hindi ka maki-carried away kapag may sumisipol sa iyo. Wit-wit! Miss, puwedeng pa-canton?